Presidential aspirant Noynoy Aquino’s speech at 90-day campaign kick-off
BUKIDNON NEWS – Bukidnon Online received a copy of Senator Noynoy Aquino’s speech at the 90-day campaign kick off at Tarlac. Aquino is the presidential bet of the Liberal Party.
SENATOR NOYNOY AQUINO SPEECH AT CONCEPCION CHURCH- TARLAC – Date: February 09, 2010
Magandang umaga po, lalong-lalo na sa ating mga kababayan. Noong 1976 po, kasagsagan ng Martial Law, dito po sa Concepcion, sa pangunguna ng butihing Mayor Feliciano, minabuti ng ating mga kababayan, kinulong ang tatay ko, binigyan ng parangal maski na Martial Law, at yun po ang unang-unang pagkakataon na ako’y nagsalita sa publiko. Kaya po ito naumpisahan na marahil huli ko na pong kong kampanya, maganda nga na mag-umpisa at bumalik sa pinagmulan. Kaya maraming maraming salamat po.
Iba ho talaga ang makauwi, madama ang inyong pagmamahal, madama ang inyong suporta. Sa pinakamadilim na yugto ng aking buhay, kayo po dito sa Concepcion talagang pinadama niyo sa min na hindi kami nag-iisa.
Martial Law po hindi tayo natinag. Yung tatay ko pinaslang nandun na naman kayo, katabi namin. Nang tumakbo ang nanay ko, nadun na naman kayo, nanguna sa bakbakan. Dahil lahat naman yata ng dinanas naming na pang-aapi, damang-dama din ninyo. Di ho marapat na magtalumpati tayo ng puro pulitika ngayong araw na ito dito sa simbahan. May rally ho kami maya-maya.
Binabanggit sa akin Kanina lang po binanggit nga ni Fr. Capuno noong pinatitingnan niya ang aking mga palad— ako po’y tiningan ko nga baka nga may nagpako na e. Pero ang masasabi ko lang ho, mabigat ang laban na darating. Talagang kailangan natin lumapit sa Diyos para punuin ang pagkukulang natin. Sa tulong po Niya, sa pagmamahal natin sa kapwa, siguradong malalaktawan natin lahat ng pagsubok.
Sa buhay ko po sa serbisyo publiko, isa lamang naman ang kailangan ko para ang cellphone ko ay ma-recharge: mauwi ng Tarlac, makausap ang aking kababayan, ayos na po ang inyong abang lingkod. Gusto ko lang po sigurong i-se-sentro, eto pong mga kasamahan ko sa aming samahan, sa partido Liberal, at mga ka-alyadong organisasyon, kung titignan po natin, ano ba ang talagang pinaglalaban? Simpleng-simple po. Ayaw na namin ang sistemang umiiral sa atin.
Hindi po kami naghahangad na parang musical chairs. E kung maliit lang ay doon siya mag___ sa inyo. Sa tulong po ninyo, maliwanag kung papano natin babaguhin, maliwanag na dapat baguhin at sa tulong po ninyo siguradong babaguhin natin itong lipunan at sistemang kinalimutan aalagaan lalo na po yung pinaka-kapos palad.
Sa mga darating na araw, lalo ninyong makikita, lalo na sa karamihan sa aking mga kalaban magaling ang packaging. Ang problema nang binuksan ang ballot, wala palanhg laman. At sa harap po ninyo mga ginagagalang kong kababayan at Cabalen, dito po sa tahanan ng Diyos ako po ay nangangako sa inyo na hindi ko po sisirain ang pagkakakilala ninyo at pagmamahal ninyo sa aking mga magulang.
Hindi ko susubukan itong laban na ito kung hindi ako tiyak na pag nariyan kayo, wala pong imposible at sigurado ang pagbabago. Kaya sa darating na araw po, marahil hindi na ako makakabalik na kasing daming beses dito habang panahon ng kampanya.
Paalala ko lang po sa inyo gaya ng sinabi ni Fr. Capuno kanina, maraming kakapit sa aking mga palad. Yun pa lang tahanan natgin, tayong lahat po ay magkapit bisig na. Oras de peligro na po ng ating bansa o tungo na tayo sa paganda. Magandang salamat po.