Former Bukidnon congressman’s opening statement during Senate hearing
BUKIDNON NEWS | BUKIDNON ONLINE – Received this via email today from the Office of Senator Teofisto “TG” Guingona. The former Bukidnon Second District Congressman, who now serves as the chairman of the Senate Blue Ribbon Committee, delivered this statement in today’s Senate hearing about the plea bargain agreement involving former Army Comptroller Gen. Carlos Garcia. Read on and be informed…
Mga kababayan ito ay isang bagay na mas maraming tanong kaysa sagot sa ngayon. Ano ba talaga ang nangyari ditto sa tinatawag na Garcia plunder case? Ano ba talaga nangyari dito sa plea bargaining agreement? Kailangan maintindihan ng taong bayan kung bakit kinasuhan at kung bakit pumasok ng plea bargaining? Kailangan maunawaan ng mga taong bayan.
Una ,balik tayo sa kung ano ba talaga ang nangyari?
December 19, 2003. Ang dalawang anak ni General Garcia na si Juan Paolo at si Ian Carlos Garcia ay nahuli na nagdala ng 100,000 dollars sa San Francisco Airport. Hindi nila dineklara ang 100,000 dollars at ito po ay kinumpiska ng US Customs sa San Francisco. Yan 100,000 dollars ay katumbas ng 5milliion pesos. Noong April 6,2004 ang asawa ni General Garcia na si Clarita ay nagbigay ng sworn at hand written statement sa customs sa US authorities para mag-esplika kung bakit nagdadala ng hundred thousand dollars ang mga anak ni General Garcia. At para siguro mabalik sa kanila iyong one hundred thousand dollars na hindi nila idineklara noong pumasok ng US.
Noong April 2005, kinasuhan po si Gen. Garcia ng Ombudsman ng plunder. 2 years later, in May 2007, nag-apply po ng bail para makalaya habang nililitis ang kaso niya. Doon po sa petition for bail para sa piyansa , nilabanan ng Ombudsman. Hindi sumang-ayon ang ombudsman. Bakit? Sinabi po ng Ombudsman na hindi dapat bigyan ng piyansa si Gen. Garcia sapagkat napakalakas ng ebidensiya. So dapat hindi bigyan ng piyansa si General Garcia. Yun po ang sabi ng Ombudsman.
Noong January 2010 , and Sandigan Bayan nagpasa ng resolution at sinabi na malakas ang ebidensiya at sang ayon kami sa Ombudman na malakas ang ebidensiya at hindi dapat palayain si Gen. Garcia habang nililitis ang kaso.
Sinabi ng Sandigan Bayan na may mga ebidensiya katulad ng mga lupain na sa pangalan ng pamilya ni General Garcia. Andiyan ang mga lote sa Baguio, Batangas at isang condominium sa Trump tower, New York . Very classy na real estate na nagkakahalaga ng 43 million pesos. Mga magagandang sasakyan at yung 100,000 dollars na dala ng dalawang anak ni Gen. Garcia. Sabi din po ng Sandigan Bayan na andoon di po ang 50 million pesos na galing sa pera ng AFP at sa pera ng bayan galing sa UN na binayaran sa atin na 200 million yet noong sinuri kulang ng 50 million. Nawawala ang 50 million. Sabi po ng resolution ng Sandigan Bayan.
Buti kung Ombudsman lang ang nagsasabi, pati na din ang Sandigan Bayan. Dalawa po ang nagsasabi na napakalakas ang ebidensiya.
March 16,2010 pumasok ang Ombudsman at si Gen. Garcia ng plea bargaining agreement at sinasabi po doon sa plea bargaining agreement. Kailangan payagan natin itong Plea bargaining agreement dahil hindi sapat ang ebidensya. Bakit ganoon? Just a few months ago, sinasabi ng Ombudsman at Sandigan Bayan na napakalakas ang ebidensiya pero bakit ngayon sinasabing mahina at hindi sapat ang ebidensiya para kasuhan si General Garcia para sa plunder.
Bakit ganoon?
Siguro malalaman natin mamaya at we will give everyone a chance to explain later.
Ang kasong plunder ay gagawing indirect bribery. Ang parusa ng indirect bribery ay mas mababa. From money laundering gagawin facilitating money laundering na ang parusa ay mas mababa at yung 300 million na hindi umano nakuha ni general Garcia ay ang ibabalik na lang niya ay 135 million. Iyan po ang laman ng ple bargaining agreement. Ano ba itong plea bargaining agreement? Hindi ba ang plea ay kasunduan? Pero bakit may kasunduan na ganito na mismong nag-prosecute on one hand na nagsabi na napakalakas ng ebidensiya at on the othe ay hindi sapat ang ebidesniya. . Kasunduan ba ito o kaayusan?
This is not an ordinary case of Military corruption. Pera ng taong bayan ang pinag-uusapan natin. Lahat ng tao ngababayad ng buwis at sa pamamagitan ng pagbayad ng buwis, nagkakaroon ng pera ang gobyerno. Binibigay sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa kapakanan ng mga Pilipino. This is not just a military corruption. Pera ng taong bayan ito at napakalaki ng amounts. 300 million pesos? Bitbit mo lang 5 million pesos sa airport? Gawain ba ng ordinaryong tao iyon? Ang kaso pong ito ay tungkol sa honor at dignidad ng mga mamayang Pilipino. Hindi dapat tayo niloloko at dapat lahat ng opisyal na should be reminded na lahat sila ay nanumpa na maglingkod para sa taong bayan. Pera po ng taong bayan. Honor at dignidad. Tama ba itong agreement? Kasunduan ba ito o kaayusan?
Hindi kaya dehado tayo ditto, ang mamayang Pilipino? Hindi kaya lugi tayo? 300 million? Ibabalik mo lang 135 million. Ako po ay nagtatanong lang. Ito po ang layunin nitong hearing na ito. Para malaman natin kung ano talaga.
And lastly po yung plea bargaining agreement,
Ano po ang ibig sabihin ng plea ? Sa ordinaryong definition ay pakiusap . At ang pakiusap, paano ba yan? Puwede ba? Puwede ba na imbis na plunder indirect bribery na lang ? Puwede ba na imbis na money laundering ay facilitating money laundering na lang? Puwede ba yung 300 million na pera ng gobyerno na nawawala ay puwede bang 130 na lang ang ibabalik. … Plea .. “puwede ba” yun po ang ibig sabihin. Ang tanong ng taong bayan ay dapat ba natin pag bigyan ito? Nakikiusap eh. Either oo or hindi.
Noong April , si Clarita ang asawa po ni Gen. Garcia ay nag-issue ng dalawang dokyumento. Isang sworn at handwritten statement.
Ano po ang nilalaman:
Babasahin kop o
In addtion Carlos receives travel money and expenses in excess of several of thousands of dollars. I often travel with my husband on business and my travel and shopping money in excess of 410,00 dollars to 20,000 dollars. He also receives cash for travel and expenses from bussinessesthat are awarded contracts for military hardwares. This businesses are in Europe and Asia. He also receives gifts and gratitude money from several Philippine companies that are awarded military contracts to build roads, bridges and military housing. The shopping money is not declared. Tannong: dapat ba natin pag bigyan? Tignan natin ang sinabi sa handwritten statement:. During these travels my husband always brings me along and we are each given travel allowances by the proponent / host country ..
As a wife .. I’m also given an envelope for my own. An envelope as they call shopping money that I can use for my own discretion , no receipts of how we use are ever required. Bussiness class airfare, first class hotel accomodfations and transportations are provided by the host . These happens every trip since 1993 to present… Our meals, purchase of souvenirs and cost of visiting sites are also paid for by the hosts.
Bussiness class airfare, hotel accommodations and shopping money for 11 years?
Dapat ba natin pag bigyan? Kayo ang maghusga. Ako nagtatanong po lamang. ANo po ang nagyari at itong kasunduan.. Tama ba ito?
Alam niyo po, mayroon din po na may ebidensiya na malakas na hindi lamang si Genreal Garcia ang gumawa at sa tingin naming hindi magagawa ni Genreal Garcia ito na siya lang. Did general Garcia do this alone? Or somebody higher up involved? Chief of Staff ba? O mataas pa sa Chief of Staff? Sino ito?
Maibabalik ba ang honor at dignidad sa plea bargainging argreement ba ito? Bargain ba ito or bargain sale sa divisoria ng corruption? Ito po ang layunin natin ngayon umaga at sa mga susunod na hearings:
What happened?
Why did they do it?
Lugi ba tayo dito? Naisahan ba tayo o tama lang ba ito para sa kapakanan ng mamayang Pilipino. Maibabalik ba ang honor ng mamayang Pilipino sa Plea Bargaining?